Unang Kabanata – Background
ANG KALIKASAN AT AGRIKULTURA
Kung ating pagi-isipan ng maigi ang agrikultura – at ang mga problema at mga pag-unlad nito- dapat tayong matuto sa kalikasan. Bakit? Sapagkat ang kalikasan ang modelo o huwaran. Sa produksyon ng biomass, pangangalaga sa taba ng lupa, pangangalaga ng lupa, pagkontrol sa peste, paggamit ng enerhiya – ang kalikasan ang nagpapakita sa atin ng pinakaepektibong sistema. Saan natin mahahanap ang tunay na kalikasan? Sa natural na kagubatan. Ang natural na kagubatan ay nakagagawa ng biomass nang hindi nangangailangan ng tulong ng artipisyal na mga bagay ngunit nakapagsusustento ng pagkain sa lahat ng nabubuhay sa loob nito bawat taon. Ang agrikultura, sa kabilang banda, ay nakagagawa ng mas kakaunting biomass, nangangailangan ng artipisyal na mga bagay
at humaharap pa rin sa problema.
Gayunpaman, ang mekanismo ng produksyon ng agrikultura at natural na kagubatan ay magkatulad lamang. Ang dalawang ito ay nakakapagbunga ng carbohydrates (biomass) sa pamamagitan ng potosintesis gamit ang mga pagkain at tubig mula sa lupa, carbon dioxide mula sa hangin at sikat ng araw (enerhiya). Ang kaibahan nga lamang, ang kagubatan ay natural habang ang agrikultura ay artipisyal. Ang katangiang ito ng agrikultura ay nagbubunga ng mga problema na hindi nangyayari o nararanasan ng natural na kagubatan – pagkawala ng taba ng lupa, pagguho ng lupa, pagsulpot ng mga peste, at sa pangmatagalan: mas mababang ani.
Comments are closed