PHILIPPINES – More than 300 Dumagat-Remontado natives, and residents of Quezon and Rizal from different sectors will walk from Gen. Nakar, Quezon to Malacañang on 15-23 February 2023 in opposition to the construction of Kaliwa Dam. The walk aims to convey to the Philippine government the opposition to the construction of the Kaliwa Dam and to show support for a better and sustainable project.

Different sectors have voiced opposition to the construction of the dam because of the damages and dangers it poses to 291 hectares of land and sacred sites in the Sierra Madre mountains, to the lives and livelihoods of more than 17,000 indigenous families, and to communities that could be submerged. However, the project is still being implemented.

This slideshow requires JavaScript.

____

Makiisa sa Alay- Lakad Laban sa Kaliwa Dam

Mahigit 300 na katutubong Dumagat-Remontado, at mga residente ng Quezon at Rizal mula sa iba’t ibang sektor ay maglalakad mula Gen. Nakar, Quezon hanggang Malacañang bilang pagtutol sa pagtatayo ng Kaliwa Dam ngayong Pebrero 15 hanggang 23, 2023.

Sa kabila ng malawak na pagtutol ng iba’t ibang sektor dahil sa dulot nitong pinsala at panganib sa 291 ektaryang kabundukan at sagradong lugar sa Sierra Madre, buhay at kabuhayan ng mahigit 17,000 pamilya ng mga katutubo at mga pamayanang maaring ilubog at malubog, sa paglugmok sa 12.2 bilyong pisong utang ng bansa sa Tsina, patuloy pa ring ipinatutupad ang proyekto.

Layunin ng lakad na ito na ipaabot sa ating mga mamamayan, sa ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at mga ahensiya ng pamahalaan, ang aming sama-samang pagtutol sa pagtatayo ng hindi makatao, hindi makakalikasan, at hindi makabayang dambuhalang Kaliwa Dam. Nais naming ipaalam ang aming suporta sa Mabutis mabuti at pangmatagalang proyektong magsisiguro ng inuming tubig sa milyung milyong mga mamamayan ng kamaynilaan ngunit:
?? Hindi magdudulot ng pinsala at panganib sa aming mga katutubo, mga magsasaka, mangingisda, at mga kalapit ng mga pamayanan
? Hindi sisira sa ating kagubatan at mga samu’t saring buhay ng Sierra Madre, at
??hindi magbabaon sa ating bayan sa pagkakautang lalo na sa Tsina.

Samahan niyo kami sa #AlayLakad na ito.

Pirmahan ang petisyon: change.org/stopkaliwadam

Follow www.facebook.com/StopKaliwaDam for updates.

#

Comments are closed

Get the latest updates on AFA
Categories
Archives